INATASAN ng Korte Suprema ang GMA Network Incorporated na ibalik sa trabaho ang 30 cameraman at assistant cameraman na tinanggal noong 2013.
Bukod sa pinababalik sa trabaho ay inatasan din ng Supreme Court ang GMA Network na bayaran ang backwages, allowances at iba pang benepisyo ng 30 kawani na illegal ang pagkakatanggal sa trabaho.
Magsisimula ang bayad sa backwages at iba pang benepisyo mula noong 2013 hanggang sa sila ay makabalik sa trabaho.
Sa isininulat na desisyon ni Associate Justice Marvic Leonen ng SC Third Division noong Hulyo 13, 2020, idineklara ang 30 kawani na regular na empleyado ng GMA Network.
Inatasan din ang GMA Network na bayaran ng 10 percent ang attorney’s fee ng bawat petitioner mula sa kabuang monetary award na makukuha ng bawat isang sinibak na kawani at mayroong anim na porsiyentong interes kada taon na kukuwentahin mula sa finality ng hanggang sa full payment.
Sa pagkatig ng SC sa hanay ng mga manggagawa, ang mga petitioner au inempleyo ng GMA Network noong 2005 at 2011 at sila ay tinanggal noong Mayo 2013.
Ayon pa sa Korte Suprema, napatunayan din na mayroong employer-employee relationship sa pagitan ng 30 manggagawa at ng GMA Network.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY