November 23, 2024

CDC NAGLAAN NG P980-K PARA SA ZAMBALES SCHOLAR

TULUNGAN ANG MGA ESTUDYANTE PARA SA KANILANG PANGARAP: Dahil sa pinalawak na CSR project upang maabot ang iba pang lalawigan at mai-promote ang inclusive development, nilagdaan ng Clark Development Corporation ang isang memorandum of agreement kasama ang 14 barangay sa San Marcelino, Zambales, para sa ipagkakaloob na scholarship at tulong pinansiyal sa karapat-dapat na 28 na estudyante. Ang naturang inisyatibo ay pinangunahan nina CDC President at CEO Noel F. Manankil (ikalawa mula sa kanan), CDC Director Ana Liza Peralta (Ikatlo mula sa kanan), at CDC Assistant Vice for External Affairs Rommel Narciso (gitna). Lumagda rin sina San Marcelino, Zambales Association of Barangay Captains (ABS) President Romeo Jalasco at Barangay Chairman Eddie Domingo. (CDC-CD photo)

NAKATANGGAP ng scholarship at financial assistance na nagkakahalaga ng P980,000 ang mga estudyante ng San Marcelino, Zambales mula sa Clark Development Corporation (CDC) sa pamamagitan ng Corporate Social Responsibility (CSR) Project para sa edukasyon.

Sa isang simpleng seremonya sa Clark Skills and Training Center (dating Clark Polytechnic), nilagdaan din CDC President at CEO Noel F. Manankil ang MOA kasama ang 14 barangay chairman mula sa bayan ng Marcelino, na sinaksihan nina  CDC Director Ana Liza Peralta at CDC Assistance Vice President for External Affairs Rommel Narciso.

Matapos ang nangyaring lagdaan, itinurnover ni Manankil ang tseke na sasagot sa mga iba’t ibang gastusin ng mga mahihirap na estudyante na nakatira sa barangay San Isidro, Buhawen Burgos, Consuelo Norte, Consuelo Sur, La Paz, Laoag, Linasin, Linusungan, Lucero, Nagbunga, Rabanes, San Guillermo, at Santa Fe.

Present din sina San Marcelino, Zambales Association of Barangay Captains (ABC) President Romeo Jalalasco at barangay chairman Eddie Domingo, na kasama rin sa lumagda sa MOA, ang tumanggap ng tseke para sa mga estudyante. Ang san Marcelino ay mayroong 18  baragangay.

Naroroon din sa nasabing event sina CDC Vice President for Administration at Finance Mariza Mandocdoc, CDC Assistant Vice President for Administration Zoraida Camello at CDC- Communications Division Manager Anthony Emmanuel Tulabut.

Sa kanyang talumpati, nagagalak si Manankil sa state-owned firm dahil sa pakikipagtulungan nito sa mga komunidad ng San Marcelino, Zambales upang suportahan ang mga karapat-dapat na estudyante.

Ibinahagi rin Manankil na may alok din ang Freeport ng career opportunities sa mga estudyante upang maipagpatuloy nito ang kanilang pag-aaral.

“You have to take this opportunity and treasure it and make sure that you finish your courses. Kasi pag natapos kayo, there will always be an opportunity for you especially here in Clark,” dagdag nito.

EDUCATIONAL ASSISTANCE. Itinurn over na Clark Development Corporation (CDC) President at CEO Noel F Manankil (ikalawa sa kanan) kasama si CDC Director Ana Liza Peralta (ikatlo sa kanan), at CDC Assistance Vice President Rommel Narciso (gitna) para sa pinansiyal na tulong sa mga estudyante ng Barangay San Isidro kay San Marcelino, Zambales Association of Barangagy Captains (ABS) President Romeo Jalasco (kaliwa). Samantala, iniabot naman ang tseke para sa mga estudyante ng Barangay La Paz kay Captain Eddie Domingo (ikalawa sa kaliwa). (CDC-CD photo)

Ang mga benepisyunaryo na estudyante mula sa nasabing mga barangay ay ikalawang batch na pinagkalooban ng tulong sa pamamagitan ng CSR-educational program ng CDC. Noong nakaraang buwan, 28 estudyante mula sa Nueva Ecija ay nakatanggap din ng parehong tulong. Ang iba pang mga pangunahing programa sa edukasyon ng state-owned-firm ay ang “Aeta Pagsasarili Program”, isang partnership project ng state-owned firm katuwang ang O.B Montessori at CDC Excellence Award na kumukilala sa mga college students sa husay sa akademya.