INUTIL ba talaga ang Anti-Money Laundering Council para habulin at kumpiskahin ang mga perang galing sa criminal activities at pagnanakaw sa kaban ng bayan?
Mga Ka-Agila, sa virtual hearing ng Senate Committee on Finance sa 2021 budget ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) noong September 17, 2020, nabuko na may “butas” o loopholes ang kanilang mandato.
Nakuwestyon ang kapangyarihan ng AMLA na mag-prosecute o kasuhan ang mga taong sangkot sa paglilinis ng pera at kung papaano ito mababawi.
Natatandaan nyo pa ba ang $210 million na ipinupuslit sa bansa at dumadaan sa NAIA nang walang problema dahil umano pera ito ng online casino operators na pawang Chinese.
Inimbestigahan pa nga ng Senate blue ribbon committee ni Sen. Richard Gordon ang nasabing money laundering activities pero wala namang nakasuhan at nakulong hanggang ngayon.
Ipinagtataka rin ng ilang Senador sa pangunguna ni Senador Imee Marcos kung bakit may $100,000 threshold para online gaming operation sa bansa gayung ang global threshold ay $10,000 lamang.
Bukod dyan, ginulantang din po tayo, mga Ka-Agila ng pagnanakaw ng mga Nigerian hackers sa P167 million mula sa United Coconut Planters Bank (UCPB).
Ito ang itinuturing ng mga otoridad na makabagong sistema ng panghoholdap sa bangko sa pamamagitan ng hacking o paglalagay ng malware sa operating system ng isang banking institution.
Kung napanood nyo ang Spanish movie na “money heist” na gumagamit pa ng mga malalakas na armas at iba pang equipment para maholdap ang bangko, ang nangyari sa UCPB ay “cyberheist”, isang makabagong paraan na hindi mo kailangan ng pumatay ng gwardya o gumamit ng mga baril para looban ang bangko.
Ipinaliwanag ni AMLC Executive Director Mel Georgie Racela sa mga Senador na kelangan munang kumuha ng court order ng ahensya para ma-trace o hanapin kung saan napunta ang P167 million na mistulang “David Copperfield” na nawala at ninakaw ng isang Nigerian syndicate na kasabwat ang ilang Filipina.
Hinihintay pa rin anya ng AMLC na maghain ang Bureau of Customs (BOC) ng smuggling cases laban sa ilang personalidad na kasabwat ng ilang Chinese bago sila makapag-harap ng money-laundering cases laban sa casino operators na nagpuslit ng $210 million sa bansa.
Sa kabila ng pagiging inutil ng council, hindi muna matutuloy ang planong artificial intelligence program nito dahil sa mga budget cut sa 2021.
Sinabi ni Racela na kahit pa nakaltasan ng 35 porsyento ang kanilang badyet hindi raw maaapektuhan ang kanilang mga programa.
Gayunman, dahil sa budget cut mula P130 milyon nitong 2020, magiging P85 milyon na lang ang pondo nila para sa susunod na taon.
Mga Ka-Agila, ibig sabihin hindi na muna nila maipapatupad ang planong artifical intelligence sa pagsilip ng mga hinihinalang illegal na transakyon o tinatawag na suspicious transactions para maimbestigahan.
***
Para sa inyong suhestyon, reaksyon at opinyon, ipadala lang sa [email protected].
More Stories
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Mga leader ng bansa dapat mahiya sa mga Pilipino, walang tigil sa bangayan!
Hen. Antonio Luna, Dangal ng Lahing Pilipino