November 23, 2024

Binata binisikleta ang Eastern Samar mula Parañaque sa loob ng 10 araw

NAKARATING sa kanyang bayan sa Eastern Samar ang isang 19-anyos na lalaki matapos niya itong bisekletahin ng 10 araw mula Parañaque City.

Naabot ni Peter Roncales ang boarder checkpoint ng Munisipalidad ng Taft noong Lunes ng gabi, 1,000 kilometro ang layo sa Parañaque City sa Metro Manila.

Nagawa ni Roncales ang mapanganib na paglalakbay matapos mawalan ng trabaho dahil sa quarantine restriction dulot ng pandemic.

Wala kasi itong perang pamasahe para makabiyahe sa Samar, kaya napilitan itong lisanin ang Metro Manila gamit ang kanyang bisikleta.

Nang marating ang provincial border sa Taft, pansamatala itong nagpahinga habang hinihintay ang mga tauhan ng Munisipalidad ng Oras na susundo sa kanya. Isang oras ang layo ng Oras mula sa Taft.

Inihatid muna ng sasakyan ng lokal na pamahalaan ng Oras mula checkpoint patungong quarantine center para sa mga locally stranded individual (LSI) ayon sa Philippine News Agency. Mananatili siya rito ng 14 araw bago tuluyang makapiling ang kanyang pamilya.