December 24, 2024

ANG NAGPAKILALANG SECOND BEGOTTEN SON

Noong taong 1850 AD, ang isang gurong Instik na si Hung Hsiu-ch’uan (1814-1864) ay bumagsak sa isang government job examination sa ikatlong pagkakataong pagkuha niya rito.

Kung kaya, nagdusa siya sa emotional collapse at sa mga panahong iyon ng kanyang matinding panlulumo, sinabi niyang nakakakita umano siya ng mga pangitain. Aniya, may nakikita siyang matandang lalaki na balbas sarado. Kulay ginto ang balbas nito at nakakakita rin siya ng isang binatang lalaki. Ang mga pangitain ay nakita niya noong siya’y edad 24-anyos.

Ang dalawang mahiwagang pangitain niyang ito ay nagsasabing ang mundo ay pamamahalaan ng mga demonyo at siya  raw ang natatanging instrumento  upang pigilan iyon at puksain. Kalaunan, pagkatapos niyang bumalik sa kanyang home village, binasang muli ni Hung ang “Chinese Christian Missionary” book, na kung saan ay natuklasan niya ang mga kahulugan ng kanyang mga pangitaing kanyang nakita.

Aniya, ang matandang lalaki umano ay ang Panginoong Diyos at ang binata o ang isang lalaki na nasa edad 30 pataas ay siya umanong si Jesus Christ.

Tahasan din niyang ipinahayag na siya umano ang “Ikalawang Bugtong na Anak ng Diyos” na ipinadala sa daigidg upang iligtas ang bansang Tsina.  Kalauna’y nangaral siya at ang karisma ng kanyang pagtuturo’y nakaakit ng maraming tagasunod at siya’y naging pinuno ng grupong kilala bilang “Pai Shang-ti Hui” ( o God Worshipper’s Society).

Noong taong 1850, ang naturang samahan ay nagpasimula ng isang pag-aalsa laban sa Manchus. Noong taong 1851, ipinahayag ni Hung ang bagong dinastiyang T’ai-p’ing T’ien-kun o “Heavenly Kingdom of Great Peace” at inangkin ang katawagang “Heavenly King”.

Ang kanyang naging miyembro sa grupo ay umabot sa libong katao at naging disiplinadong mga army. Yumakap siya sa Kristiyanismo at ipinaglaban ang pantay-pantay na pag-aari sa lupain at pagkaapantay-pantay sa pagitan ng mga kababaihan at kalalakihan. Siya ang namuno sa tinatawag na .Ang pag-aalsa at labanan ay lumaganap sa buong bansa at ang Chinese imperial troups ay nagapi sa isang labanan. Sa loob ng 10 taong pag-aalsa laban sa Machus, nakubkob ni Hung ang siyudad ng Naking at ginawang kapitolyo.

Kalaunan, nagkaroon siya ng karamdaman at nagpatiwakal noong 1864.  May tala namang kumain siya ng damo na inari n’yang mana mula sa kalangitan at natuluyan sa pagkalason sa pagkain.Ang mga puwersa ng Chinese forces ay lumusob sa Nanking at pumatay ng 100,000 katao. Lalo pang lumaganap ang rebelyon at umabot sa 20 milyong katao ang nasawi dahil dito.

Walang naganap na katapusan ng mundo batay sa kanyang pangitain na magaganap umano sa kasagsagan ng rebolusyon. (Brit 1977, Vol 8). Noong ika- 20 siglo, binatikos ng Kristiyanong institusyon ang pang-aangkin ni Hung na siya’y ikalawang bugtong na anak ng Lumikha. Isa umano itong paglapastangan sa otoridad at karangalang nauukol kay Cristo-Jesus.