September 19, 2024

RUBY RODRIGUEZ, NA-OSPITAL DAHIL SA SAKIT NA STOMACH AILMENT

ANG buong akala nang mga fans ni Ruby Rodriguez, iniwan na niya ang Eat Bulaga. Halos ilang buwan na rin kasing hindi napapanood si Ms. Ruby sa hit variety show ng GMA, kaya halos lahat ng kanyang mga fans at pati mga bashers ay nababahala na sa kanyang pagka-wala. Simula kasi nang lumipat sa ibang TV station si Anjo Yllana, akala ng netizens na ganoon din ang ginawa niya.

Nabuhayan nang loob ang kanyang mga fans, nang lumabas na ang tunay na nangyari kay Ruby. Nagpa-ospital pala ang actress-comedian dahil sa stomach ailment na kanyang ininda at nasabay pa ang pagkamatay ng kanyang kapatid na doktora. Nasa ilalim pa sia ng pamilya niya ng pagdadalamhati pero mas-minabuti ni Ms. Ruby na unahin muna ang kanyang health.


Hindi totoong iniwan na ng TV show host ang Eat Bulaga o GMA-7 at wala daw siyang planong gawin iyon. Ang ‘EB’ ang nagbigay ng popularidad at nagpala sa kanya sa kanyang showbiz career. Kaya doon sa mga nagtatanong, makikita n’yo na daw si Ruby muli sa TV kapag umigi na siya.