September 19, 2024

JOSHUA GARCIA, BUMAKSAK ANG PANGANGATAWAN DAHIL SA DEPRESSION?

MARAMI ang nag-aalala sa health condition ngayon ni Joshua Garcia. Ang daming haka-haka na naglalabasan tungkol sa kanya, dahil sa pangangayayat ng aktor. May nagsasabi na dinibdib ni Joshua ang paghihiwalay nila ng kanyang ex-girlfriend na si Julia Barretto. Meron din nagsasabing depressed siya sa pagsara ng ABS-CBN. Ang tingin naman ng iba, nalululong na ito sa computer games kaya lagi itong puyat na naging dahilan ng pagbagsak ng kanyang katawan.

Ngayong under tayo lahat ng pandemia, isa si Joshua Garcia sa mga nawalan ng trabaho. Nasabay pa sa pagsasara ng Channel 2 kaya naudlot ang katanyanggang tinatamasa ngayon ng actor. Dinibdib daw ni Joshua ang mga pangyayaring hindi niya inaasahan sa kanyang showbiz career kaya sa sobrang stress niya ay napabayaan na niya ang kanyang kalusugan.