PUPUTULAN ng ari ang mga lalaking mapatutunayang nagkasala sa kasong rape sa ilalim ng panibagong batas ng isang estado sa Nigeria.
Ang mga lalaking rapist sa Kaduna state ay sasailalim sa surgical castration, habang ang mga babaeng napatunayang nanggahasa ng bata ay tatanggalan ng fallopian tubes.
Mahaharap din sa parusang kamatayan ang mga lalaki nang-rape ng 14-anyos pababa – at habambuhay na pagkakabilanggo kapag adult na ang ginahasa.
“[These] drastic penalties are required to help further protect children from a serious crime,” ayon kay Gov. Nasir Ahmad el-Rufai, na siyang lumagda sa batas noong Miyerkules matapos makakuha ng parliament approval.
Dati kasi, umaabot sa 21 taon na pagkakabilanggo ang maximum penalty ng rape law sa rehiyon habang life sentence sa rapist ng mga bata.
Layon ng malupit na batas na mabawasan ang sexual violence sa lugar matapos tumaas ang bilang ng kaso ng rape sa Africa sa gitna ng pandemic lockdown.
Halos 800 na mga kaso ng sexual violence ang naitala sa pagitan ng Enero at Mayo sa Nigeria, dahilan para manawagan ang women’s right group ng mas mahigpit na parusa.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY