NILINAW ng Commission on Population and Development (PopCom) na nasa 40 hanggang 50 na kabataan na may edad na 10 hanggang 14 ang nabubuntis kada linggo – hindi kada taon.
Isinigawa ni PopCom Executive Director Juan Antonio Perez III ang paglilinaw sa isang interview, upang itama ang kanyang pahayag sa Senate budget hearing noong nakaraang araw.
“Actually, [with regard to] the number—I will correct somewhat the report—about 40 to 50 (girls) age 10 to 14 years old give birth every week,’’ aniya sa Teleradyo ng ABS-CBN.
“PopCom was concerned that this is happening at a time when we are implementing the RPRH or the Responsible Parenthood and Reproductive Health Act of 2012,” dagdag pa ni Perez.
Nasa 2,250 kabataan kabilang ang 10-14 ang edad ang nanganak noong 2018, na doblado sa bilang na 1,000 noong 2007.
Noong 2019, tinawag ni Socioeconomic Planning Secretary at dating PopCom Chair Ernesto Pernia na “national social emergency” ang sitwasyon ng teen pregnancy sa Pilipinas.
Sinabi ni Perez na, sa average, halos 64,000 mga menor de edad, o ang mga 18 taong gulang pababa ang nanganganak taon-taon.
“So perhaps, overall, with regard to teen pregnancy in the Philippines, 500 youths give birth every day,” aniya.
Nabanggit din ni Perez ang isang pag-aaral ng University of the Philippines’ Population Institute na lumalabas na 2 milyong ang manganganak sa bansa sa susunod na taon, kung saan 11 percent o 200,000 ay mula sa mga inang nasa 20-anyos pababa.
Bilang reaksiyon sa report ng PopCom, pinaalalahanan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mga kabataan na i-enjoy ang pagiging bata pero palaging tatandaan ang limitasyon. “Don’t allow yourselves to be caught in a moment of curiosity or passion or you’ll regret it,” ayon kay Fr. Jerome Secillano, CBCP spokesperson at executive secretary ng public affairs committee ng grupo.
Nagpahayag naman ng kalungkutan sa naging report ng PopCom ang isang kilalang mayor ng National Capital Region na ayaw magpabanggit ng pangalan.
“Nakalulungkot lang dahil tila dumarami ang lumalanding kabataan sa panahon ngayon. Ito ang masakit na katotohanan na dapat tugunan ng pamahalaan,” ayon sa alkalde.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY