MISYONG posible ng koponang Northport Batang Pier ang best finish sa paglarga ng 45th season ng PBA na nakatakda sa susunod na buwan.
Asam nina Batang Pier head coach Pido Jarencio at team manager Bonnie Tan na ang pagbabalik nina Robert Bolick at dalawa pang injured key players ang muling magpapalakas sa tsansa ng koponan sa pagsambulat ng susunod na conference.
“We performed very well last year, so we are hoping to do the same in the coming conference,” pahayag ni Jarencio sa 12th “Usapang Sports on Air” ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) via Zoom.
Nasa ika-anim na taon bilang head mentor ng NorthPort , sinabi ni Jarencio na, “the team is raring to get back into serious practice once the Inter-Agency Task Force (IATF) thru the PBA, allow our players to practice.”
“Ang mithi namin ngayon ay makapag-ensayo na muli ng 5-on-5 at maibalik na ang kundisyon ng mga players. Kailangan makuha uli namin yun rhythm at timing after seven months. We have to be on the same page,” paglilinaw ni Jarencio kasabay ng pasasalamat sa all-out support ng management sa pamumuno ni GM Erick Arejola.
“This will be a short conference. Sa tingin ko, kung sino yun pinaka well-prepared, well-conditioned na team yun ang mananalo dito,” dagdag pa ng binansagang “Fireman” noong playing days pa niya sa PBA.”
Para naman kay Team manager Tan, ang Northport ay nahigitan ang expectations noong season-ending ng PBA Governor’s Cup kahit na depleted ang line-up.
“We’re hoping na mas mag-improve pa kami lalo na kung buo at kumpleto na uli ang line-up,”ani Tan, pamosong head coach ng reigning NCAA champion Letran Knights.
“Bolick, Jonathan Grey and Bradwyn Guinto suffered injuries last season but the management is optimistic that they are fully recovered during pandemic halt as their return to action should make the team even better”
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo