TAPOS na ang maligayang araw ng umano’y notoryus na riding-in-tandem na snatcher matapos masakote ng mga awtoridad sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Malabon police chief Col. Jessie Tamayao ang naarestong mga suspek na si Antonio Guibone, 20 ng Anonas St. Brgy. Potrero at Mark Leyner Olocan, 30 ng M. H. Del Pilar St. Brgy. Tinajeros.
Sa imbestigasyon nina PMSg Julius Mabasa at PSSg Ernie Baroy, alas-8:40 ng gabi, habang minamaneho ni Rejoy Monghit, 22, factory worker ng Sitio 6 Brgy. Catmon ang kanyang bisikleta sa kahabaan ng Gov. Pascual Avenue Brgy. Potrero nang tabihan siya ng mga suspek na magkaangkas sa motorsiklo at sapilitang inagaw ang kanyang cellphone na nagkakahalaga sa P15,000.
Matapos nito, mabilis na tumakas ang mga suspek habang humingi naman ng tulong sa pulisya ang biktima na nagresulta sa pagkakaaresto kay Guinbone at Olocan kung saan narekober ang kanilang ginamit na motorsiklo habang hindi naman nabawi ang cellphone ni Monghit.
Ayon kay PMSg Mabasa, noong Sepember 14, 2020 bandang alas-7:55 ng gabi, hinablot din ng suspek na si Guibone at kanyang hindi kilalang kasabuwat na nagmamaneho ng motorsiklo ang cellphone ni Maribel Demerin, 54, biyuda, sa kanto ng Gov. Pascual Avenue at Atis St. Brgy. Potrero.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA