November 3, 2024

Rep. Tolentino, Juico at Arenas, pagpilian bilang susunod na pangulo sa election ng POC sa November 27

Sinabi ni POC President at Cavite Rep. Abraham ‘Bambol’ Tolentino na tuloy ang election ng Philippine Olympic Committee. Idaraos ang halalan sa pagpili ng mga new officials sa November 27, 2020.

Ilan sa pinagpipiliang venue ng election ay ang Conrad Hotel (sa  Mall of Asia Complex sa Pasay City), o sa East Ocean Palace (sa Macapagal Avenue sa Parañaque City).

Ayon kay Rep.Tolentino, gagawin ang hahalan ng face-to-face conduct elections. Sa gayun ay makapili ng mga lider.

Kandidato rin si Tolentino sa panguluhan ng ahensiya. Makakatunggali nito si athletics chief Philip ‘Popoy’ Juico. Gayundin si POC board member at archery president Clint Arenas

Gagawin ito sa wide space na pwedeng mag-accommodate ng 2000 katao. Pero, mayroong social distancing.

Kapag nahalal ang mga new elected officials, magsisilbi sila sa loob ng 4 na taon. Maabutan pa ng mga ito ang 2024 Paris Olympics.

Susundin namin nang buong higpit ang health protocols sa pagtitipong-sosyal at kukuha kami ng kailangang permiso mula sa IATF (Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases) if needed,’’ ani Tolentino.