November 24, 2024

MGA QUARANTINE ENFORCEMENT PERSONNEL ITATALAGA SA NAVOTAS (Kontra COVID-19)


ANG Pamahalaang Lungsod ng Navotas ay magtatalaga ng mga quarantine enforcement personnel sa mga piling lugar at entrada sa mga kritikal na lugar na tinukoy ng Philippine National Police–Navotas.

Ayon kay Mayor Toby Tiangco, ito ang ilan sa mga “best practices” ng Navotas sa laban sa COVID-19.

Aniya, kasama rin dito ang mas mahabang curfew hours, pag-iisyu ng home quarantine passes, at pagdampot sa mga lumalabag sa community quarantine protocols.

Maliban dito, nagpasa rin ang pamahalaang lungsod ng 10 city ordinances at 15 executive orders, kabilang ang 24-oras na curfew for minors, mga panuntunan para sa mga negosyong maaaring magbukas sa community quarantine, wastong pagsusuot ng face masks at social distancing, at iba pa.

Ang mga paghihigpit sa kilusan ay nakakarelaks ngayon na nasa ilalim kami general community quarantine. Dahil dito, nagiging kampante ang mga tao at banta ito sa kanilang kaligtasan. Upang mapanatili silang protektado mula sa sakit, pinahigpit namin ang aming patakaran sa curfew upang hikayatin ang mga Navoteños na manatili sa bahay kung wala silang importanteng gawin sa labas. Mahigpit din naming ipinatutupad ang wastong pagsusuot ng mga face mask at face shield, kung kinakailangan, pati na rin ang pagsasanay ng social distancing,” ani Mayor Tiangco.

Iniulat ng Navotas City Police na mula Agosto 19 ay  1,297 na ang dinmpot dahil sa paglabag sa curfew, 3,205 para sa hindi pagsusuot o hindi wastong pagsusuot ng face mask, at 298 dahil sa hindi pagsunod sa social distancing.