ALL-OUT SUPPORT. Nagpahayag ng suporta si Pampanga Governor Dennis “Delta” Pineda (ikalawa mula sa kaliwa) para sa planong gawing venue ang Clark ng PBA Bubble sa ginanap na press conference sa Quest Hotel sa Clark Freeport. Makikita rin sa larawan sina (mula kaliwa hanggang kanan) Zambales Governor Hermogenes Ebdane, BCDA President/CEO Vince Dizon, at Bataan Governor Albert Gracia. (CDC-CD Photo)
SUPORTADO ni Pampanga Governor Dennis “Delta” Pineda na ang Clark Freeport ang maging host ng PBA Bubble sa 45th Season nito.
Sa isang press conference ng COVID programs ng pamahalaan sa Quest Hotel sa Clark Freeport, binigyang diin ni Pineda na kung mapadesisyunan ng PBA Board of Governors na piliin ang Clark bilang venue ay maluwag itong tatanggapin ng Pampanga bilang isang oportunidad upang ipakita ang hospitality ng probinsiya at ng mga tao rito.
“Kung dito po gagawin sa probinsya po ng Pampanga (ang bubble), asahan niyo po ang pagtutulungan ng province at ng Clark, ni boss (BCDA President) Vince at ibang governors (of Central Luzon) kung dito gagawin ang PBA,” ani ni Pineda.
Ang naturang press conference ay dinaluhan din nina Bataan Governor Albert Garcia at Zambales Governor Hermogenes Endane.
Lumabas nga nitong kamakailan lang sa mga media outlets kung saan nabanggit ang Clark bilang isa sa posibleng venue na siyang magho-host sa PBA sa isang bubble environment, gaya ng NBA sa Disneyworld sa Florida.
“Together with Clark Development Corporation (CDC) President-CEO Noel F. Manankil, Bases Conversion Development Authority President-CEO Vivencio Dizon, the provincial government will see to it that players, officials and staff will feel at home while enjoying the world class facilities in Clark,” ayon kay Pineda.
Inimungkahi kasi ni NLEX Road Warriors Head Coach Joseller ‘Yeng’ Guiao na ideal site umano ang Clark dahil sa maayos na security rito.
Marami ring hotel, may mga ospital at malapit sa Metro Manila.
Ang iba pang venue na pinagpipilian ng PBA ay ang Baguio, Batangas, Cubal, El Nido, Laguna, Subic at maging sa Dubai, United Arab Erimates.
Sa bubble set-up, ang mga player, team staff at league official ay kinakailangang ligtas mula sa pandemic at papayagan lamang sila maglaro at mag-stay in sa itinakdang court, matutuluyan at activity areas habang nasa tournament.
Dalawang beses ng nanalo ang Clark ng Sports Tourism Destination of the Year award nang mag-host ito sa games at events ng 30th Southeast Asian Games noong nakaraang taon. Kinokonsidera na ligtas rin ang naturang lugar kasama dahil sa mahigpit na ipinatutupad dito ang mga health protocols laban sa COVID-19.
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna