Sapol noong nagkaroon ng COVID-19 pandemic, nag-iba ang timpla ng laro sa NBA. Apektado sa bubble.
Mukhang hindi sanay rito ang ibang players. Iba kasi ang hatak ng crowd. Nakalalakas ng loob.
Maraming forecast at prediction ang nasira ng pandemya. Ang hula ng ilan, Lakers-Bucks ang maglalaban sa finals. Pero, teka, nasaan na ang Bucks? Tinusta na ng Miami Heat.
Waiting na lang ang Heat sa mananalo sa Boston Celtics at Toronto Raptors bukas. Sino kaya ang mananalo? Matagal nang uhaw ang Celtics sa kampeonato.
Uhaw ding makarating muli sa Eastern Conference Finals. Para sa Raptors, nandoon ang pride nila. Defending champs kasi. Kaya, nandun ang will-to-win attitude nila.
Unpredictable na ang nangyayari ngayon. Maliban na lang kung malakas talaga ang team. Sino kaya ang uusad, Celtics o Raptors?
Sa panig naman ng Clippers at Nuggets, magagawa kaya ng huli ang 3 straight wins? Gaya nang ginawa nilang pagsilat sa Utah Jazz. Malalaman natin yan bukas.
Basta ako, antabay lang sa mga nangyayari.
More Stories
All-time best ng PH bets naitala sa day 3 ng ICF World Dragon Boat C’ship… GOLD RUSH NG TEAM PILIPINAS!
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Angas ng Pinas sa Asian Kickboxing… ATLETA NI SEN. ‘TOL’ TOLENTINO HUMAKOT NG GINTO!