Magpapasya na ang members ng Board of Governors ng PBA bukas; kung anong type ng bubble ang ikakasa sa liga.
Inaasahan kasing magre-resume ang PBA season sa susunod na buwan. Kaugnay dito, inilatag ni PBA Commissioner Willie Marcial ang possible bubble options.
Gayunman, naka-dependeng lahat ang gagawing hakbang ng PBA sa pasya ng IATF sa plano nilang bubble. Maaaring kagay ng NBA bubble ang gagawing set-up.
O kaya’y ‘yung set-up na ikinasa ng European football leagues. Kabilang sa mga choices ng bubble set-up ay ang Subic at Clark.Gayundin sa Laguna at o sa Smart Araneta Coliseum.
Ayon kay Marcial, payag ang Smart Araneta na maging host ng bubble. Maging ang Dubai ay nagpahayag din ng interest.
Ngunit, mahirap ito lalo pa’t nakasalalay dito ang financial at health aspect.Sang-ayon naman si NLEX coach Yeng Guiao sa proposal ni Marcial.
More Stories
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Angas ng Pinas sa Asian Kickboxing… ATLETA NI SEN. ‘TOL’ TOLENTINO HUMAKOT NG GINTO!
Football Festival Exhibition Game, idinaos sa loob ng New Bilibid Prison