Naniniwala si dating PBA legend William ‘Bogs’ Adornado, na kailangang ng UST ng 4 hanggang 5 taon upang maayos ang team.
Ang pahayag na ito ng dating delegate sa 1972 Munich Olympics ay bundos ng kontrobersiya na kinakaharap ng Growling Tigers.
Aniya, kumalas ang mga key players dahil sa scrimmage issue. Pati si coach Aldin Ayon ay inaksyunan na UAAP.
Pinatawan ng indefinite ban si Ayo dahil sa insidente. Ayon sa board of trustees ng liga, isinapanganin ng coach ang kalusugan ng mga players.
Na sa kabila ng may ipinatupad na health protocols ng gobyerno sa gitna ng COVID-19, nagsagawa pa rin ng sessions ng UST.
“Now, they have to start from scratch, e ang hirap makakuha ng players ngayon unlike during my time,” aniya.
Si Adornado ay markadong eminent basketball alumnus ng UST. Nahirang din ito bilang three-time MVP ng PBA.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo