MALAPIT nang payagan ng national government ang pag-angkas sa motorsiklo at inatasan na ang transportation agencies na gumawa ng mga guidelines upang mapanatiling ligtas ang lahat sa kabila ng COVID-19 pandemic.
Ito ang inanunsiyo ni Presidential Spokesman and national coronavirus task force spokesman Harry Roque ngayong Hunyo 20.
Ayon kay Roque, kailangan na lang maglatag ng guideline ng technical working group na kinabibilangan ng Department of Transportation, Department of Science and Technology, Department of Health at Metro Manila Development Authority para sa pag-aangkas.
Ito’y para masiguro na malimitahan ang transmission ng COVID-19 sa oras na payagan na muli ang backriding.
“So malapit na po ang backriding. Pero kinakailangan ang NTF [National Task Force on COVID-19 efforts] po ang mag-issue ng mga guidelines. Pinapayagan na “in principle” ang backriding upon the approval of the requirements by the technical working group (TWG). Antay antay na lang po muna,” saad ni Roque.
More Stories
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY
PAGSISIKAP NG MARCOS ADMIN SA DIGITAL LITERACY NG MGA MATANDA, WELCOME KAY TIANGCO