November 24, 2024

BI nakakolekta ng P3 bilyon sa kabila ng pandemya

INIULAT ng Bureau of Immigration na nakalikom sila ng mahigit sa P3.1 bilyon kita ng gobyerno sa unang tatlong buwan ng kasalukuyang taon sa kabila ng pagputok ng COVID-19 pandemic.

Saad ni BI Commissioner Jaime Morente, na ang koleksiyon ng bayarin sa imigrasyon mula Enero hanggang Hunyo ay umabot sa P3.1 bilyon, mas mababa sa 39-percent sa P4.3 bilyon na na-remit ng ahensiya sa national treasury sa parehong panahon noong nakaraang taon.

 “We still consider this as a significant accomplishment considering that even amidst the pandemic we are just 50-percent short of attaining our target of P6.18 billion for 2020,” saad ni Morente sa isang pahayag.

Nagpahayag ng panghihinayang si Morente dahil sa inaasahan nila na malalagpasan nila ang mga nakaraang rekord ngayong taon kung hindi pumutok ang pandemya sa COVID-19 kung saan napuwersa sila na magsuspinde o paliitin ang kanilang mga operasyon.

Ayon naman kay BI Financial Management Division Chief Judith Ferrera, asa P1.8 bilyonan ang kanilang koleksyon matapos ang Enero at Pebrero ngunit bumagsak ito sa P481 milyon pagsapit ng Marso.

 Umaasa naman sila na muling sisigla ang kanilang operasyon sa pagbubukas muli ng ekonomiya sa tinatawag na “new normal”.