September 19, 2024

NADINE LUSTRE AT JAMES REID, ‘DI TOTOONG NAGHIWALAY NA?

KALAT na kalat na hiwalay na sina Nadine Lustre at James Reid, pero ang ipinagtataka ng kanilang mga fans, bakit palagi pa rin itong magkasama?

Huli silang nakita sa birthday celebration ng mother ni James at iba’t ibang events kaya ang haka-haka ng marami ay together again ang tambalang JaDine.

May nagsasabi na baka dumadrama lang ang dalawa dahil kahit naghiwalay na sila nananatili pa rin silang magkaibigan.

Kung dumadrama lang silang magkahiwalay na, hindi ito maganda sa kanila. Lumalabas kasi na parang niloloko lang nila ang kanilang mga tagahanga, na umaasa pa rin na hanggang ngayon ay sila pa rin.

Nang napabalitang they parted ways, maraming mga fans nila ang nalungkot at hindi nila matanggap ang hiwalayan blues ng dalawa.