ARESTADO ang isang online sex trafficker sa Taguig City na siyang umabuso sa walong kababaihan, kabilang na ang kanyang sariling anak at mga babaeng kapatid.
Ayon sa joint press statement ng Philippine National Police (PNP) at International Justice Mission (IJM), naaresto ang 30-anyos na babae noong Miyerkules, Hunyo 17, at nasagip ang walong biktima.
Naging matagumpay ang operasyon ng grupo ng Philippine National Police Women and Children Protection Center Anti-Trafficking in Persons Division (PNP-WCPC-ATIPD) sa pakikipagtulungan ng Taguig City Police Office (TCPO) at Social Welfare and Development Office (CSWDO).
Ayon kay Colonel Sheila Porpento ng ATIPD, isa sa mga biktima ay ang 27-anyos na babaeng bingi – kapatid na babae ng mismong suspek.
“What surprised me during this rescue was that one of the victims was a differently abled 27-year-old deaf female, the younger sister of the suspect and who is also the mother of some of the children rescued. Despite her chronological age, her mental state still leaves her vulnerable to abuse,” ayon kay Portento.
Ayon kay IJM Manila Field Office Director Reynaldo Bicol: “The law offers greater protection to the vulnerable. The 27-year-old differently abled woman is considered a child under the law and is entitled to an expanded care of the state which we see that the government is currently enforcing to protect her rights and pursue justice on her behalf.” “This case shows that OSEC (online sexual exploitation of children) offenders will go to great lengths to abuse the most vulnerable, but the law shall hold them accountable to the fullest extent,” dagdag ni Bicol.
Bukod sa kapatid na babae ng suspek, nasagip din ang apat na lalaki na may edad na 2, 4, 11 at 14; at dalawang babae na may edad na 3 at 15.
“All the victims are undergoing the necessary trauma counseling and shelter placements,” ayon sa joint statement.
Narekober ng pulisya mula sa bahay ng suspek ang isang cellphone, dalawang money transfer receipts, at isang USB flash drive na hinihinalang ginagamit ng suspek sa kanyang ilegal na aktibidad.
Ayon sa Department of Justice (DOJ) office of cybercrime, base sa natanggap na tip at sumbong ng National Center of Missing and Exploited Children ng US, halos 200 porsiyento ang itinaas ng insidente ng online sexual exploitation of children (OSEC) sa Pilipinas mula Marso hanggang Mayo o noong kasagsagan ng lockdown dahil sa COVID-19 pandemic.
Nanawagan sila sa publiko na ipagbigay-alam sa PNP-WCPC, DOJ, at National Bureau of Investigation ang ano mang impormasyong may kinalaman sa sekswal na pang-a-abuso sa mga bata. ARNOLD PAJARON JR
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY