SA kabila ng COVID-19 pandemic, ang pamahalaang lungsod ng Navotas ay patuloy na nagsagawa ng seminar sa mga interesadong residente na nais na magtayo ng maliit na negosyo sa lungsod.
Ayon kay Mayor Toby Tiangco, ang NegoSeminar ay inilunsad higit isang buwan na nakalipas na naglalayong turuan ang mga interesadong residente na apektado ng pandemya kung paano magtayo ng kanilang sariling maliit na negosyo ngunit walang sapat na ipon upang mapondohan ito.
Ang NegoSeminar ay ginaganap tuwing Miyerkules alas- 9 a.m. hanggang 11 a.m. sa lobby ng Navotas City Hall at sa mga nais makamit ang “Tulong Puhunan” ay magtungo lamang sa NavotaAs Hanapbuhay Center para sa kanilang susunod na eskedyu.
Samantala, pinaalalahanan muli ni Mayor Tiangco ang mga residente sa kahalagahan ng kooperasyon ng bawat isa upang mapanatili ang patuloy na pagbagal ng rate ng impeksyon ng virus sa lungsod.
Nakapagtala nung Huwebes ang City Health Office ng anim lamang na positive cases ng COVID-19 na nagdala sa kabuuang bilang na 4,376 at karagdagang 47 na mga gumaling kayat umabot na sa 3,803 ang mga recoveries habang 124 ang namatay.
“Nagbunga na po ang paghihigpit natin noong nakaraang mga buwan. Ang pagbaba po ng mga kaso sa ating lungsod ay nagpapakita lamang na tama ang ginawa natin,” ani Mayor Tiangco.
Sinabi pa ng punong lungsod na ang pagbaba ng mga bilang ng kaso ng nagpositibo sa COVID-19 ay dahil sa isinagawang malawakang testing, naging maagap na contact tracing at naging istrikto sa no home quarantine policy maliban kung nirekomenda ng doktor na manatili sa bahay.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA