Pinangunahan nina Manila Mayor Isko Moreno kasama si Contact Tracing czar Baguio Mayor Benjamin Magalong, Presidential Spokesman Harry Roque at Covid Testing czar Sectetary Vince Dizon, ang paglulunsad ng Stay Safe QR Code, isang aplikasyon para sa COVID-19 contract tracing, sa loob ng SM Manila ngayong araw. (kuha ni NORMAN ARAGA)
INILUNSAD ngayon sa Lungsod ng Maynila ang official tracer app ng Pilipinas para sa mga kaso ng COVID-19 sa bansa.
Pinangunahan nina Presidential Spokesman Harry Roque, Covid Testing czar Sectetary Vince Dizon, Tracer czar Baguio City Mayor Benjamin Magalong, at Manila City Mayor Isko Moreno ang pagpapakilala sa publiko ng Staysafe.ph
Ayon kay Mayor Magalong malaki ang maitutulong ng naturang app para matukoy ang mga pinuntahan at nakasalamuha ng mga COVID-19 cases.
Pagmamalaki pa ni Magalong, bagama’t may iba’t ibang klaseng tracer app na ang iba’t ibang LGU sa bansa ay madali itong maiko-consolidate sa Staysafe.ph app.
Hinikayat naman ni Moreno ang publiko at mga establishment na mag-download at gamitin ang naturang app para makakuha ng mas magandang data hinggil sa COVID-19.
Sa kanyang panig, sinabi ni Secretary Roque na ang paglulunsad ng naturang tracer app ay isang patunay na may plano at may ginagawa ang Duterte administration laban sa pandemic
Ang Staysafe.ph app ay may kakayahan na i-trace ang pinuntahan at nakasalamuha ng isang user gamit ang GPS.
Makikita rin sa app ang current situation ng isang lugar pagdating sa kaso ng COVID-19.
Ang Staysafe.ph app ay maaring i-download sa Google Play Store, Apple Appstore, Huawei Apps Gallery at sa website na Staysafe.ph.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA