Iprinisinta ni Police Leiutenant Colonel John K Guiagui ang dalawang naarestong suspek dahil sa pagbebenta at pag-iingat ng ilegal na droga sa loob ng Sta. Cruz police station 3 sa Maynila. Narekober mula sa mga suspek ang limang large heat sealed transparent plastic sachet na may lamang shabu na may halagang P1,713,600. (Kuha ni NORMAN ARAGA)
AABOT sa P1.7 na milyon ng shabu ang nasamsam ng Manila Police District –Station 3 sa ikinasang buy-bust operation sa Sta. Cruz, Manila kahapon.
Kinilala ni MPD-Station 3 Commander P/Lt. Col John Guiagui ang suspek na si Bhedz Dalingding, 52, tubong Sultan Kudarat at kasalukuyang naninirahan sa 936 Oroquieta St., Sta. Cruz sa nasabing siyudad.
Kasama rin sa nahuli ang kasabwat nito na si Teresita Honorica, 39, ng 1079 J. Fajardo St., Sampaloc, Manila.
Ayon kay Guiagui, nakabili ang pulis na nagpanggap na buyer ng P500 halaga ng shabu mula sa suspek sa loob ng kanyang bahay kung saan narekober ang 252 gramo ng shabu na may halagang P1.7 milyon.
Kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act ang isinampa laban sa suspek sa Manila Prosecutor’s Office.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY