November 24, 2024

Villar kinastigo ang PCC dahil sa hindi pagpapatupad ng P450 dairy project

PINANGUNAHAN ni Senador Cynthia Villar ang pagdinig sa Senado sa estado ng dairy industry sa bansa at ang hindi pagpapatupad ng P450 milyong dairy project para mapaigting ang dairy production at mabigyan ng kabuhayan ang mga dairy farmer sa bansa.

Inihain ni Villar, chairperson ng Committee on Agriculture and Food, ang Senate Resolution No. 504 na magsisiyasat sa kalagayan ng ating dairy industry na pinangangasiwaan ng National Dairy Authority (NDA) at Philippine Carabao Center (PCC) sa ilalim ng Department of Agriculture.

 “The NDA and the PCC have been in existence for 25 years and 28 years, respectively, and we continue to import more than 99 percent of our demand for dairy. This means we have been missing the opportunity to make our kababayan, especially the farmers, benefit from the dairy industry as a source of additional income and for our children to have access to affordable milk,” ayon kay Villar .

Kinuwestiyon ni Villar si PCC Executive Arnel del Barrio tungkol sa hindi naipatupad na P450 milyong  halaga ng proyekto para sa pagpapatayo ng  dairy processing centers sa 28 lokasyon na magbibigay  din ng intercropping opportunities sa coconut farmers sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Naglaan din ang senador ng P10 milyon sa bawat 28 lokasyon o kabuuang P280 milyon para sa proyekto bukod pa sa PCC budget. Inatasan din ng senadora ang Philippine Coconut Authority na maglaan ng P170 milyon sa 17 coconut producing provinces para magkaroon ng kabuuhang P450 milyon.

Ayon pa  kay Villar, 23,690,000 litro  ang total milk production noong 2018  samantalang ang  demand ay 2.345 bilyong litro. Ipinakikita rito na 0.6966%  ang  local production na mababa sa 1% sa kabuuhang demand sa gatas ng mga Pilipino. 

Binanggit din ng senadora ang Commission on Audit (COA) Report noong January 2020 na nagsabing P2.85 billion dairy program na dapat  ipatupad ay may “minimal improvement”  lamang sa pagpapataas ng bilang ng dairy animals sa Pilipinas. 

Tumakbo sa anim na taon simula 2012 hanggang 2018 ang Herd Build-Up Program. Nagsimula ito ng  may 39,069 dairy animals subalit nagwakas sa 47,600 hayop noong 2018 kasama ang mga baka at kalabaw. Layunin ng programa ang mapataas ng 10 percent ang local supply contribution mul sa 1 percent local supply figure noong 2012.

Sinabi ng na kakulangan sa koordinasyon sa pangunahing ahensiya, ang kawalan ng  well-defined roles at responsibilidad sa dairy Industry’s stakeholders, operational issues, at  mahalagang cattle at  buffalo mortality rates ang mga dahilan sa kabiguan sa Dairy Road Map targets.

“We are holding this inquiry in order to find out why the dairy industry has not been contributing as expected in increasing the milk production and the increase in the number of dairy animals. This is despite having two government agencies assisting farmers. More than 23 years have passed for the country’s dairy program to fly but it has remained on the ground,” ayon kay Villar.

“The objective is to improve dairy production to ultimately make an Impact on reducing poverty and improving child nutrition in many rural households,” dagdag pa niya. 

Sa pagdinig, kabilang sa mga isyung tinalakay ang non-delivery o incomplete delivery ng dairy animals sa ilang mga lugar, gayundin ang kawalan ng processing centers at training program sa forage production.

Simula noong nakaraang taon, ginagawa n ni Villar Ng Carabao-Based Enterprise Development Centers sa buong kapuluan matapos ang engkuwentro sa local housewife sa Ubay, Bohol na nag-alaga ng isang milking carabaos at ipinagbibili ang gatas sa dairy processing center. Ang modelong ito ang nagbigay ng pagkakataon sa maybahay na kumita ng P300 kada araw o P 9,000 sa isang buwan.

Nais din ni Villar na magbigay ng ganitong pagkakataon sa iba pa. Tinukoy niya ang 28 lugar kung saan puwedeng gayahin ng modelong ito.  Kabilng dito ang Abra, La Union, Pangasinan, Ilocos Sur, Nueva Vizacaya, Bataan, Bulacan, Laguna, Tarlac, Palawan, Albay, Masbate, Negros Oriental, Iloilo, Cebu, Siquijor, Zamboanga del Sur, Zamboanga del Norte, Misamis Oriental, Bukidnon, Davao Oriental, Davao del Sur, Compostela Valley, North Cotabato, at South Cotabato.

Pinaamiyendahan din ni Villar ang  Republic Act 11037 o ang Masustansyang Pagkain para sa Batang Pilipino Act na naglalayong kunin sa  local dairy farmers at cooperatives ang fresh milk and fresh milk-based products.

“With this provision, the law institutionalizing a national feeding program will not only address undernourishment among children, but will also create a market for local dairy  which, if sustained, will eventually develop our local dairy industry,” sabi pa ni Villar.