November 24, 2024

Gilas, sasalang sa East Asia Super League

Balak ng PBA organizers na sumali sa East Asia Super League (EASL). Kung matutuloy, ang Gilas Pilipinas team ang isasalang sa liga.

Nag-uusap na kami ni Matt Beyer tungkol diyan,” ani PBA commissioner Willie Marcial.

Sabi ko, pag-uusapan namin sa Board.”

Kasama rin sa diskusyon si Meralco team governor Al Panlilio na Presidente rin ng Samahang Basketbol ng Pilipinas.

(Dahil) under FIBA na, magkausap kami ni Gov. Al. Sa kanya manggagaling kung paano ang proseso papunta sa PBA, kasi FIBA na eh.”

Di katulad noon na parang liga lang nila ‘yung Terrific 12 at sumali tayo,” ani Marcial kaugnay sa diskusyon kasama si Meralco team governor Al Panlilio. Si Panlilio ay Presidente rin ng Samahang Basketbol ng Pilipinas.

 “So iba na ngayon, nasa FIBA na,” dagdag pa nito.

Ayon kay PBA chairman Ricky Vargas, pinag-uusapan nila kung ipadadala sa EASL ang representative team o ang Gilas Pilipinas national team.

Ang naturang liga ay nilalahukan ng mga top pro teams sa East Asia, kabilang na ang Philippines.Bagama’t sumali na ang bansa sa liga noong 2016, kinakailangang sundin nito ang bagong format.

Ito’y bunsod nang makipagtambalang ang EASL sa FIBA. Kung saan, ang siste ng laro ay kagaya sa NBA na home-and-away format. Walong teams ang kasali rito.

Mula rito, ang Final 4 teams ang maglalaban-laban. Hanggang sa 2 na lang ang matira na magtutuos sa finals. Ipapatupad ang bagong rule simula sa Oktubre 2021.