
Nahirang si New Orleans Pelicans forward Brandon Ingram, bilang 2020 NBA’s ‘Most Improved Player’ .
Si Ingram na dating player ng Lakers ay napunta sa Pelicans dahil sa ikinasang blockbuster trade. Kapalit nito si star forward Anthony Davis.
May average na 23.8 points per game si Ingram at may 46.3% shooting percentage. Unang beses din siyang napabilang sa NBA All-Star.
Nakatanggap si Ingram ng 42-place votes mula sa global panel ng 100 sportswriters at broadcasters. Mula rito, nakatipon siya ng 326 total points.
Naungusan nito si Miami Heat center-forward Bam Adebayo,( 2nd place, 295 points, 38 first-place votes). Gayundin si Dallas Mavericks guard Luka Doncic (3rd place, 101 points, (12 first-place votes).
“It was a great year for me,” ani Ingram dahil sa natamong award.
“People are seeing my work that I’ve put in, and it’s definitely shown on the basketball floor,” aniya.
BATO BALAK BISITAHIN SI DUTERTE SA THE HAGUE: MAGWI-WIG AKO

PAMILYA MUNA

Arrival honors ng bagong QCPD chief ginanap sa Camp Karingal

2 wanted na kriminal, nasilo sa Navotas

More Stories
GSF TANAY RAVEN SIKARAN HANDA NA SA NATIONAL TILT
MPBL 2025 Season… BAGITO PERO MABALASIK NA DAVAO OCC. TIGERS COCOLIFE KILALANIN!
BOXING LEGEND GEORGE FOREMAN PUMANAW NA, 76