El Nido, Palawan — Pormal nang binuksan ang bagong El Nido Community Hospital. Kung saan, magkakaroon ito ng sariling testing facility para sa COVID-19.

Naging ‘Guest of Honor’ sa isinagawang blessing at opening ng bagong El Nido Hospital sa Palawan Norte si Congressman Mikee Romero. Kaugnay sa okasyon, pinasalamatan din nito si Gov. Jose Pepito Alvarez at ang kapatid nitong si Cong. Chicoy Alvarez. Gayundin sina DOH Asec. Laxamana, El Nido Mayor Nieves Rosento at VM Ning Batoy.

Ayon kay Gov.Jose Alvarez, na siyang nanguna sa turnover ceremony, ilalagay sa ospital ang RT-PCR laboratory.
Mayroon din itong X-ray laboratory at may 17-bed capacity upang magamit sa operasyon. Kabilang sa serbisyong ibibigay nito ay ang emergency care, medical service, out-patient care.
Gayundin ang surgical service, pharmacy, service ambulance at ang isolation building.
“Ang isolation building sinisimulan ko na.”
“Dito ilalagay ang isang COVID laboratory para sa RT-PCR— hindi rapid test kundi reverse transcription-polymerase chain reaction,” saad ni Gov. Alvarez.
More Stories
INILABAS NA TRAVEL ADVISORY NG CHINA VS ‘PINAS WALANG BASEHAN – PCG
ACIDRE KAY ROQUE: IMBES UMAPELA SA QATAR, TULUNGAN MGA NAARESTONG OFW
KRIS AQUINO INIINDA SAKIT NA LUPUS FLARE