November 24, 2024

Lakers, pasok na sa Western Conference semis matapos lunurin ang Blazers

Nairekta ng Los Angeles Lakers ang 4 straight wins sa playoffs. Kaya naman, abanse na sila sa Western Conference semifinals matapos manalo sa Game 5.  

Nilunod ng Lakers ang Portland TrailBlazers, 131-122 sa Game 5 (4-1 sa sa series). Nagtala ng pinagsamang 79 points sina LeBron James at Anthony Davis.

Naglista si Davis ng 43 points, 9 boards at 4 assists.Si James naman ay nagbuslo ng 36 points, 10 boards at 10 assists.

That’s what you do when you close out a series,” ani James kay Davis.

You let that (expletive) out now.”

Nagtala naman ng 36 points 6 boards at 7 assists si CJ McCollum sa Blazers. Nag-ambag naman si Carmelo Anthony ng 27 points, 7 boards at 1 assist.

Ang pagpalaot ng Lakers sa semis ay kauna-unahan sapol pa noong 2012. Naguna si LeBron James sa panalo ng Lakers.

https://www.youtube.com/watch?v=9JY4KV7Uv2E

Malaki naman ang kawalan ni Damian Lillard sa laro dahil sa injury. Kulang sa tao ang Blazers at foul trouble pa ang kanilang key players.

Bukod kay Lillard, hindi rin nakalaro sina Trevor Ariza, Zach Collins at Rodney Hood/

Sa Lakers naman, ang all-star point guard na si Rajon Rondo ang wala sa eksena.

Samantala, ito ang stats ng Lakers-Blazers sa Game 5

POR:C.J. McCollum: 36 Pts. 6 Rebs. 7 Asts. 1 Stls. Carmelo Anthony: 27 Pts. 7 Rebs. 1 Asts. Jusuf Nurkic: 16 Pts. 10 Rebs. 6 Asts. 5 Stls. 1 Blks. Gary Trent Jr.: 16 Pts. 4 Rebs. 2 Asts. 2 Stls.

LAL:Anthony Davis: 43 Pts. 9 Rebs. 4 Asts. 1 Stls. LeBron James: 36 Pts. 10 Rebs. 10 Asts. 1 Stls. 1 Blks. Kentavious Caldwell-Pope: 14 Pts. 5 Asts. 3 Stls. Dwight Howard: 11 Pts. 6 Rebs.