November 24, 2024

‘Lagundi’ trial aprubado ng FDA kontra COVID-19

INAPRUBAHAN na ng Food and Drug Administration (FDA) ang clinical trials ng herbal medicine na ‘lagundi’ bilang supplement treatment sa coronavirus, ayon kay Science and Technology Secretary Fortunato dela Peña.

Ayon kay Dela Peña, susubukan ang herbal medicine sa 200 na COVID-19 patient na may mild symptom na naka-admit sa Quezon Institute Quarantine Center, Sta. Ana Hospital at Philippine National Police-National Capital Region Community Quarantine Center.

Pangungunahan ng mga eksperto sa Philippine General Hospital ang medical research.

Dagdag pa niya titingnan sa naturang trial kung makakabawas ba ng sintomas ng COVID-19 tulad ng ubo, pananakit ng lalamunan at lagnat ang naturang halamang gamot

“Ang hangad natin ay ma-address ang symptoms gaya ng ubo, lagnat at mga sore throat,” ani ni Dela Peña.