Arestado ang isang notoryus na pugante na may nakabinbin na walong warrant of arrest sa inilatag na operasyon ng Taguig City Police Station sa ilalim ng Southern Police District (SPD) nitong gabi ng Huwebes, Oktubre 8, 2026.
Dakong alas-8:00 ng gabi nang matiklo ang pangunahing suspek na nakilala sa alyas na “Sonny Boy,” 28, residente ng Barangay Tanyag, Taguig City.
Isinilbi ng mga awtoridad ang warrant of arrest laban kay Sonny Boy para sa kasong murder na inisyu ng Regional Trial Court (RTC) Branch 262 sa Pasig City. Nakuha rin sa suspek ang isang hand grenade.
Sa isinagawang beripikasyon sa E-Warrant System, lumabas na may pito pa itong nakabinbing warrant na inisyu ng mga korte sa Taguig, Pasig, at Rizal para sa kasong
Napag-alaman din nang lumabas sa beripikasyon sa E-Warrant System na may pito pa itong nakabinbing warrant of arrest kaugnay sa pagkakasangkot sa Robbery, Robbery with Intimidation, paglabag sa Anti-Carnapping Law at Frustrated Murder.
Kasabay ng nasabing operasyon, tatlo pang indibidwal ang na-shoot sa kulungan. Naaresto si alyas “Gil Angelo” matapos makuhaan ng isang Armscor caliber .38 Special revolver na may apat na live ammunition, habang huli rin ang dalawa pang indibidwal dahil umano sa obstruction of justice.
Dinala na ang apat na suspek sa tanggapan ng pulisya para sa booking, documentation, at mga kaukulang legal na proseso.
Pinuri naman ni PBGEN Rodel A. Pastor, District Director ng SPD, ang mga tauhan ng Taguig Police sa matagumpay na operasyon.
“Patuloy nating tututukan ang pagtugis sa mga wanted person upang maiharap sila sa hukuman. Kasabay nito, paiigtingin natin ang mga operasyon laban sa ilegal na armas upang mapangalagaan ang kaligtasan ng publiko,” pahayag ni PBGEN Pastor.
