November 24, 2024

SISIKAT PA ANG BATANG SICAT

Umula’t bumagyo ay tuloy-tuloy ang ginagawang pamamahagi ng libreng paalmusal ni Kagawad Kokoy Sicat sa mga residente ng Barangay San Andres, Cainta, Rizal na apektado ng coronavirus desease 2019 (COVID-19).

SINO nga ba naman ang hindi makakakilala sa mga Sicat diyan sa bayan natin sa Cainta?

‘Pag sinabing mong Sicat, kilala-kilang ang mga iyan dahil sa ginagawa nilang pagtulong sa ating mga kababayan lalo na sa mga taga-Barangay San Andres.

Isa pang Sicat ang umuusbong ngayon ang pangalan sa katauhan ni Kokoy Sicat na number 1 kagawad sa aming barangay.

Nito ngang pumutok itong COVID-19, naging abala si Kokoy sa pagtulong sa ating mga kalugar diyan sa Felix at Floodway.

Halos linggo-linggo ay namamahagi ang tropang Kokoy Sicat ng libreng pagkain tulad ng lugaw at tsamporado upang kahit papaano ay mabawasan ang mga gastusin ng ating mga kababayan at mabusog ang kanilang mga katawang-lupa. Hehehe…

Nabawasan din ang lumbay kahit papaano ngayong may pandemic hindi lang ng mga kabataan kundi ng mga senior citizen na lumahok sa kanyang mga pinahuhulaang mga gamit sa pamamagitan ng kanyang Facebook kung saan maraming nanalo ng iba’t ibang papremyo.

Si Kokoy ay anak ng dati nating Vice Mayor na si Atoy Sicat na matagal ding naglingkod sa aming bayan sa Cainta.

Napakasimpleng tao lamang ng mga Sicat na may simpleng adhikain para sa mga nangangailangan. Nasa dugo na nila ang hangaring makapaglingkod at maihatid na ang tunay na pagbabago sa lahat.

Maituturing natin si Kokoy na bagong mukha subalit hindi pamumulitika ang nais, kundi pagtulong at pagseserbisyo ang ihahatid sa atin.

Sadyang kaabang-abang ang tatahaking landas ng butihin nating kagawad na si Kokoy Sicat.

Tiyak na sisikat pa ang batang Sicat! ‘Yun lang po!

o0o

Kung mayroon kayong sumbong, reklamo o anumang suhestiyon ay mag-text o tumawag lamang sa numerong CP#09460243433 o mag-email sa [email protected]