Photo courtesty: Jasper C. Acosta, Primetime News Cotabato
Ligtas at hindi nasaktan si BARMM Interim Chief Minister Abdulraof Macacua matapos tambangan ng mga hindi kilalang armadong salarin ang kaniyang convoy sa kahabaan ng pambansang highway nitong Sabado ng hapon, Agosto 15, 2026.
Naganap ang pamamaril bandang 4:45 p.m. habang pabalik ang convoy sa Cotabato City mula sa ginanap na aktibidad ng Bangsamoro Federalist Party (BFP) kung saan inihalal si Macacua bilang chairman.
Naiproseso at nakaligtas ang buong grupo dahil sa mga armored vehicle na kabilang sa convoy.
Naganap ang karahasan wala pang isang buwan bago ang makasaysayang kauna-unahang Bangsamoro Parliament Election sa Setyembre 14, kung saan kandidato si Macacua para sa ikatlong distrito ng lalawigan.
Agad na nagpalabas ng utos si Comelec Chairman George Garcia sa PNP at AFP na magsagawa ng malalimang imbestigasyon at hulihin ang mga utak at gumawa ng krimen.
Mariin ding kinondena ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) at ng lokal na pamahalaan ang pag-atake, habang nanawagan ng pagtitimpi at pagpapanatili ng kapayapaan sa buong rehiyon.
