Tinukoy ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ang mga naipong basura na humaharang sa mga daluyan ng tubig ang isa sa mga pangunahing dahilan ng malawakang pagbaha sa Metro Manila.
Isinagawa ni MMDA General Manager Nicolas Torre III ang pahayag matapos nitong personal na inspeksyunin nitong Martes, Agosto 11, 2026, ang Redemptorist Water Channel sa Parañaque City na nalubog sa toneladang basurang lumutang dahil sa mga nagdaang pag-ulan.
Tiniyak ni Torre sa publiko na agad na kikilos ang pamahalaan upang linisin at tanggalin ang mga kalat sa lugar.
Gayunpaman, iginiit ng opisyal na hindi kakayanin ng MMDA o ng gobyerno lamang na solusyunan ang problema kung hindi magbabago ang disiplina ng mga mamamayan sa tamang pagtatapon ng basura.
Hinihimok din ng MMDA GM ang publiko na maghain ng mga konkretong solusyon upang maiwasan ang paulit-ulit na pagbarat ng mga estero at ilog.
” “Enforcement? Mas mabigat na multa? CCTV? Community accountability? Incentives? Makikinig ako. Pero isang bagay ang sigurado: hindi puwedeng ganito na lang palagi,” dagdag niya,” ayon kay Torre.
