Binasag na ang katahimikan ng miyembro ng Hashtags na si Nikko Natividad matapos nitong aminin na naloko siya sa isang investment scam.
Nagsalita na si Natividad sa pamamagitan ng kanyang Faceook page tungkol sa kanyang pagiging biktima sa pamamagitan ng pagpo-post ng isang news clip ng isang babae na naaresto sa isang entrapment operation.
Inamin niya na natangayan siya ng P4 milyon sa scam.
“Hindi ko na kaya manahimik. Isa ako sa mga nag invest at na scam dito,” pagbubunyag niya.
Alam niya sa kanyang sarili na maari siyang ma-bash sa post niyang ito dahil sa pag-aakala niyang kikita siya ng malaki.
Humingi ng pang-unawa si Natividad sa publiko at ipinaliwanag na ngayon lamang siya nagsalita upang makatulong sa mga tao na hindi na maloko pa ng iba.
Labis din siyang nasaktan sa nangyari dahil naglaho ng parang bula ang kanyang pinahirapan at pinag-ipunan. Halos hindi raw siya makatulog gabi-gabi at nakaranasan din siya ng depresyon.
“Nawala ang 4million ko dahil nagtiwala ako sa maling tao. Dugot pawis sakripisyo tapos isang iglap lang mawawala,” saad niya.
Nawalan na rin siya ng pag-asa na maibabalik ang perang natangay sa kanya at ang tanging mensahe na lamang niya sa mga scammer ay “Hustisya na bahala sayo.”
Malaking pera man ang nawala sa kanya, sinabi niya na babangon siya at matututo sa pagsubok na natanggap niya.
Sa isa pang post, sinabi ni Natividad na balang araw ay tatawanan niya lang lahat ang nangyari sa kanyang pinaghirapang pera.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY