FDCP Chairman at CEO Jose Javier Reyes
NAKILAHOK ang Film Development Council of the Philippines (FDCP, nabuo 2002) para sa pagbubukas at seremonya ng pagputol ng laso sa inaugural ng Macao International Internet Media Industry Summit at Macao International Audio-Visual Festival (MIAVF) sa Macao, China, noong 02 Hunyo 2026 Martes. Dinaluhan ng ilang mga kultural na organisasyon at mga pinuno ng industriya mula sa buong rehiyon.
Naganap ang Global Online Audiovisual Industry Trends Forum na tumalakay sa suporta ng pandaigdigang patakaran sa komunikasyon, pakikipagtulungan sa ecosystem ng platform, at mga estratehiya para sa globalisasyon ng nilalamang audiovisual. Nagkaroon ng isang hiwalay na roundtable forum na nagtatampok ng iba pang mga pangunahing presentasyon tungkol sa overseas expansion ng mga pelikulang Tsino at Portuges, ang paggamit ng AI sa paggawa ng pelikula, at mga pananaw mula sa mga propesyonal sa pelikula at telebisyon.
BASAHIN: Casa Manila, Natatanging Museo
Nagbigay ng panimulang talumpati si FDCP Chairman at CEO Jose Javier Reyes sa Southeast Asia Broadcasting and Audiovisual Industry Cooperation Forum.
Kaniyang binigyang-diin ang patuloy na pag-unlad ng audiovisual ng Pilipinas, at ang naging epekto ng pandemya sa mga gawi ng mga Pilipino sa panonood, kabilang ang pag-usbong ng short-form content.
Ang talakayan ay nagbunga ng mga bagong posibilidad sa vertical storytelling, cross-cultural connections, partnerships, at pagpapalawak ng merkado, habang pinapalakas ang isang matatag na pinagsamang pagkakakilanlang Asyano sa nilalamang audiovisual.
