SUMAMPA na sa 4,200 ang COVID-19 positive sa lungsod ng Caloocan hanggang kahapon, Agosto 21 at isa sa mga ito ang binawian ng buhay.
1,976 naman na sa mga tinamaan ng nasabing nakamamatay na sakit ang nakarekober na.
Samantala, ayon sa ulat ng Navotas City Health Office kahapon, Agosto 21 kay Mayor Toby Tiangco na gumaling at nakauwi na ang 100 Navoteño na nagkaroon ng COVID-19 ngunit may nadagdag na 40 mga bagong kumpirmadong kaso.
“Bumababa na po ang positivity rate sa ating lungsod. Ibig sabihin, mas kaunti na ang nagpopositibo sa mga swab test sa mga nakaraang araw. Gayunpaman, hindi po tayo dapat maging kampante. May mga bansa po na muling nag-lockdown pagkatapos tanggalin ang quarantine dahil nagkaroon sila ng spike o biglang pagtaas ng kaso ng sakit”, ani Mayor Tiangco.
“Parati pong isipin, bawat isa sa atin ay may COVID-19. Ito lamang ang paraan para magdoble ingat tayo sa ating ginagawa at pakikitungo sa kapwa. Huwag manghawa, huwag magpahawa,” dagdag niya.
Sa kabilang dako, iniulat ng City Health Department ng Malabon na 62 ang nadagdag na confirmed cases kahapon kaya’t 3,224 na ang positive cases, at 706 dito ang active.
Gumaling naman mula sa nasabing karamdaman ang 77 katao sa lungso. Sa kabuuan ay 2,380 na ang recovered patients sa Malabon. Nanatili naman sa 138 ang bilang ng mga nasawi.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE