Imbes na alak, mas mainam daw na uminom na lang ng Mom’s Kombucha na isang fermented tea na naglalaman ng probiotics at antioxidant, ayon kay Mayor Rex Gatchalian.
HINDI pa rin matutuloy ang balak ng mga lasenggo sa Valenzuela City na mag-“party-party” dahil mananatiling epektibo ang liquor ban sa lungsod kahit isinailalim na sa Genera Community Quarantine (GCQ) ang Metro Manila mula Agosto 19-31.
Dahil sa ipinatutupad na liquor ban sa lungsod, maging si City Mayor Rex Gatchalian ay naihayag na hindi na niya maalala ang lasa ng alak.
“Nakalimutan ko na ang lasa ng (kilalang marka ng ‘light’ na serbesa)….last alcohol in my body was March 11…then sober na since that day,” ani Gatchalian.
Sa ilalim ng GCQ ay ibabalk na sa full workforce ang mga emleyado ng Valenzuela City Hall.
Patuloy pa ring ipatutupad ang paggamit ng Quarantine Pass at mananatili ang curfew hours mula 8 pm hanggang 5 am.
Samantala, inanunsyo ng Joint Task Force COVID Shield na inaprubahan na ng National Task Force for COVID-19 ang karagadagang alituntunin para sa pag-angkas sa motorsiklo sa ilalim ng GCQ na epektibo August 19, 2020.
Nakasaad sa panuntunan na hindi na kailangan ng barrier para sa riders na magkasama sa bahay habang dapat namang may Angkas-designed barrier ang mga hindi magkasama sa bahay.
Ang backrider o angkas naman ay dapat na authorized person outside of residence (APOR) habang ang driver ay hindi kinakailangang maging APOR. Ang motorsiklo ay dapat na privately owned at hindi arkilado at ang dalawang riders ay dapat na may suot na face masks at full-face helmets habang magkaangkas.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY