November 24, 2024

Milwaukee Bucks, pinapak ng mahika ng Orlando Magic

Tila may hatid na buwenas sa Orlando Magic ang venue na pinagdarausan ng 2020 NBA playoffs. Dahil sa Orlando idinaos ang playoffs, mistula na rin itong homecourt ng Magic.

Marami ang nasorpresa sa paglikida ng Magic sa top seeded Milwaukee Bucks, 122-110 Kaya naman nakaisa na ang Magic sa best-of-7 sa Bucks.

Photo by Kim Klement-Pool/Getty Images

Bumida sa panalo ng Magic si Nikola Vucevic na bumuslo ng 35 puntos at 13 boards. Umalalay din si Terrence Ross na may 18 at Markelle Fultz na nagtala ng 15.

Kumamada naman ng 31 points,17 boards at 7 assists si Giannis Antetokuonmpo para sa Bucks. Minahika ng Magic ang opensa ni Giannis sa 11 minute ng fourth quarter.

Walang nagawang puntos si ‘The Greek Freak’ sa nasabing regulasyon. Kaya, nakahabol ang Magic mula sa 6 point deficit, 99-93. Mula rito, umalagwa na ang Orlando at tinambakan ang Bucks ng 12 puntos.

Narito ang buong stats ng Bucks-Magic game

ORL:Nikola Vucevic: 35 Pts. 13 Rebs. 3 Asts. 1 Stls. Terrence Ross: 18 Pts. 6 Rebs. 1 Asts. 1 Stls. Gary Clark: 15 Pts. 6 Rebs. 1 Stls. Markelle Fultz: 15 Pts. 2 Rebs. 6 Asts. 1 Blks.

MIL:Giannis Antetokounmpo: 31 Pts. 17 Rebs. 7 Asts. 1 Stls. George Hill: 16 Pts. 2 Rebs. 5 Asts. 1 Stls. Eric Bledsoe: 15 Pts. 2 Rebs. 5 Asts. 1 Stls. 1 Blks. Khris Middleton: 14 Pts. 6 Rebs. 4 Asts. 1 Stls. 1 Blks.