Minadamadali na ng mga manggagawa ang pagsasaayos ng molecular laboratory sa Quezon City upang maproseso ang mga specimen mula sa COVID-19 na may kakayahang makapag-test ng 500 katao kada araw at makukuha ang resulta sa loob ng dalawang araw. Ang molecular laboratory ay hindi lamang para sa COVID-19 kundi maging sa tuberculosis, immunodeficiency virus at dengue na matatagpuan sa Brgy. Teacher Village East sa nasabing siyudad. (Kuha ni ART TORRES)
Magkakaroon na ng sariling molecular laboratory ang Quezon City na maaring makapagproseso ng specimen na magmumula sa coronavirus disease (COVID-19)
Ang laboratory ay maaaring magproseso ng 500 tests kada araw at sa loob ng isa hanggang dalawang araw ay may resulta na sa gagawing pagsusuri sa specimen.
Nakakuha na ito ng accreditation mula sa Department of Health bilang level three lab na maaring magbukas sa huling linggo ng Agosto kapag naaprubahan na ang operasyon.
Sinabi ni Belmonte na ang laboratory ay isa ring investment na maaari ring sumuri hindi lamang COVID-19 kundi maging iba pang medical tests tulad ng tuberculosis, human immunodeficiency virus (HIV), dengue at iba pa.
Ang equipment, extraction machines, at iba pang kailangang kagamitan ay nakuha ng lokal na pamahalaan mula sa mga donasyon ng pribadong sektor.
Ang QC molecular laboratory ay matatagpuan sa Barangay Teachers Village East, at mamanduhan ng 20 miyembro ng City Health Department (CHD) na medical technologists, pathologists, laboratory manager, at iba pang manpower support na sasailalim sa training para sa highly technical requirements ng laboratory sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM).
“There were challenges in hiring medical health workers, in getting equipment needed especially now when there is high demand for machines, and also in looking for a site which is most suitable to all the protocols and requirements. But the city government is dedicated to make QC independent in processing its own tests,” wika ni Joseph Juico, QC COVID-19 task force head.
Naniniwala rin si Juico na dahil sa bagong laboratoryo, ay mababawasan na ang gastos ng mga residente sa siyudad dahil hindi na nila kayang magbayad sa pribadong ospital at laboratory para magpa-test.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Bagong gym, binuksan sa Navotas
PAGPAPALIBAN SA BARMM ELECTIONS, PINAG-AARALAN NA – PBBM