Inihayag ni Pasig City Mayor Vico Sotto na magpapatupad ng bagong work arrangement sa mga manggagawa ng City Hall habang umiiral ang banta ng coronavirus disease 2019 o COVID-19.
Ayon sa alkalde meron na silang dalawang category para sa kanilang skeletal work force na papasok sa City Hall ng lungsod.
Ang unang category ay 30% work force arrangement, na dati nang pinatutupad ng lokal na pamahalaang lungsod.
Ang ikalawang category ay ang bagong work force arrangement, kung saan ipatutupad ang 15 days off and on.
Ibig sabihin ang isang grupo ng maggagawa sa Pasig City Hall ay papasok ng 15 days at 15 days naman na magpapahinga.
Sa pamamagitan nito anya mami-minimize ang close contact ng kanilang manggagawa at automatic na ring na mag-self quarantine sakaling matamaan ng covid-19.
Dahil dito, kanyang pinapayuhan ang mga manggagawa ng Pasig City Hall na alamin sa kanilang human resource department ang bagong work force arrangement.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA