PATAY ang isang human rights activist na si Zara “Rebuton” Alvarez matapos ang nangyaring pamamaril sa kahabaan ng Sta. Maria Street sa Eroreco, Barangay Mandalagan, Bacolod City, Lunes ng umaga.
Ito ang kinumpirma ni Julius Dagatan, media liaison ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan)-Negros) ang nangyaring pamamaslang sa biktima.
Tinambangan ang biktima habang papauwi ito sa kanyang inuupang bahay. Tumakas ang gunman, angkas ng kasamahang nakamotorsiklo.
Anim na basyo ng bala ang natagpuan sa pinangyarihan ng krimen.
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang pulisya.
Ayon sa grupong Karapatan Negros, labis silang “nalulungkot at nagagalit” sa nangyaring pamamaslang kay Alvarez.
“Today, we laid to rest Ka Randy Echanis, one of those who helped [establish] Karapatan and staunch peace-builder and land rights defender. Tonight, we learned of the sad news that our former campaign and education director and paralegal in Negros, Zara Alvarez, was killed in Bacolod City,” ani ng grupo.
Nagsilbing paralegal ng Karapatan Negros si Alvarez. Naging research at advocacy officer rin siya ng Negros Island Health Integrated Program, saad ng grupo.
Noong 2012 ay nakulong si Alvarez, 39, ng halos dalawang taon dahil sa kasong murder.
Tulad ni Anakpawis chair at NDFP consultant na si Randy Echanis na brutal na pinatay noong Agosto 10 ng madaling araw, kabilang din umano si Alvarez na tinawag na terorista sa isang kaso ng Department of Justice.
Kahit naalis ang listahan sa listahan ang kanyang pangalan nanatili ang mga banta sa kanyang buhay.
Nanawagan ng hustisya ang Karapatan Negros para kay Alvarez.
Ayon sa grupo, si Alvarez ang ika-13th human rights worker ng Karapatan na namatay sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY