November 23, 2024

Nakaka-good vibes ang pamimigay ng libreng face shields ng LCSP

Sa panahon ngayon, mahalaga ang face mask at face shield upang mapababa ang tsansa ng pagkalat ng Coronavirus. Gayunman, may ilan sa ating mga Cabalen ang hindi makabili.

Hindi nila afford ang bumili ng face shield. Sa halip na ipambili ang pera nila ng ganun, bigas at ulam na lang ang bibilhin nila. Ang iba naman na may pambili ay walang mabilhan.

Wala daw stocks sa ibang merkado o puwesto. Kung meron man, mahal ang presyo. Sinasamantala ng iba ang demand sa face shields.

Pero, bilib tayo sa grupong Lawyers for Commuters Safety and Protections (LCSP). Namahagi kasi sila ng libreng face shield para sa mga pasahero ng public transfortation.

Ika nga ng LCSP, ang pamamahagi nila ng face shields ay tulong sa mga commuters. Kunsabagay, mainam sa mga pasahero namay suot na face shields habang bumibiyahe.

Sa gayun ay mawala o mabawasan man lang ang risks ng paghahawahan o pagkakaroon ng COVID-19. Ang maganda pa rito mga Cabalen, bibigyan din ng grupo ng free face shield ang mga tsuper at konduktor ng PUVs.

Tuturuan din ng ilang volunteers nila ang mga indibidwal sa paggawa ng face shield.

Nakaka-good vibes talaga mga Cabalen kapag may mga tao o grupo na nagka-kawanggawa. Sa gitna ng krisis ng pandemya, dapat taying maging mapagbigay. Magkaroon ng konsiderasyon sa iba.

Gayahin din sana ng ilang grupo o ahensiya ng pamahalaan gaya ng DOTr at LTGRB ang ginawa ng LCSP. Ang ating mensahe sa grupo, salamat sa inyong generosity. Pagpalain po kayo ng Dakilang Maykapal.