MAHIGIT 4,000 muli ang nadagdag sa bilang ng mga tinamaan ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Sabado (August 15), umabot na sa 157,918 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 83,109 ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 4,351 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
91 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 7.5 porsyento ang asymptomatic; 0.6 porsyento ang severe habang 0.9 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nakuha ang mga datos mula sa 96 out of 103 licensed laboratories.
Nasa 159 ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 2,600 ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 885 naman ang gumaling pa sa bansa.
Dahil dito, umakyat na sa 72,209 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Bagong gym, binuksan sa Navotas
PAGPAPALIBAN SA BARMM ELECTIONS, PINAG-AARALAN NA – PBBM