
DEAD ON THE SPOT ang dalawang lalaking biktima matapos silang pagbabarilin ng isang suspek na kanilang nakasagutan sa kahabaan ng CM Delos Reyes Avenue sa Barangay Javalera, General Trias City, Cavite, noong umaga ng Setyembre 11, 2025.
Ayon sa ulat ng General Trias Component City Police Station, bandang alas-10:20 ng umaga nang magkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng mga biktima na sina Eric at Edmark at ng suspek na si alyas “Regienald ” habang nasa kasagsagan ng mainitang pagtatalo ay nagbunot umano ng baril ang suspek at pinaputukan ang mga biktima na agad na ikinasawi ng dalawa.
Matapos ang pamamaril agad na tumakas ang suspek sa hindi pa tukoy na direksyon.
Patuloy ngayon ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang pinagtataguan ng suspek at ang tunay na motibo sa nangyaring krimen. (KOI HIPOLITO)
