
NADAKIP ng mga operatiba ng San Pascual Municipal Police Station (MPS) ang isang most wanted person na sangkot sa large scale at syndicated illegal recruitment sa isinagawang operasyon dakong alas-4:00 ng madaling araw, noong Huwebes, Setyembre 11, 2025 sa Brgy. Poblacion ng San Pascual, Batangas.
Kinilala ang akusado na si Erlinda Digna Pawang Cepillo, alyas Linda Digna Pawang, 72 taong gulang, at residente ng naturang barangay. Siya ay nahaharap sa kasong Large Scale and Syndicated Illegal Recruitment at 2 counts ng kasong Trespass to Dwelling .
Ang nangyaring pag aresto laban sa suspek dahil sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Mohammad Aquil A. Tamano ng RTC Branch 77, San Mateo, Rizal noong Agosto 27, 2025 na walang inirekomendang piyansa para sa dalawang bilang ng kaso.
Kasalukuyan ngayon nasa kustodiya ng San Pascual MPS ang akusado para sa kaukulang disposisyon bago iharap sa korte. (KOI HIPOLITO)
