Arestado ang isang hinihinalang gunrunner sa isinagawang entrapment operation ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Batangas Provincial Field Unit sa Barangay Bolbok, ng Batangas City.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Bryan”, isang dating security guard at residente ng Cainta, Rizal. Nasakote ang suspek makaraang kumagat sa inilatag na operasyon ng mga otoridad laban sa suspek.
Nasamsam mula suspek ang dalawang loose firearms—isang caliber 9mm pistol at isang caliber .38 revolver—kasama ang mga bala.
Sinabi pa ng CIDG na ang suspek ang nagbebenta ng mga loose firearms sa mga gun for hire sa Batangas at mga karatig na Prbinsya.
Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Pinuri ni PMGEN Morico ang CIDG Batangas sa matagumpay na operasyon at muling tiniyak na tuloy-tuloy ang kanilang kampanya laban sa loose firearms, mga kriminal, sindikato, at private armed groups sa buong bansa. (KOI HIPOLITO)
