SWAK rehas na bakal ang 18-anyos na binata na wanted sa kasong rape matapos maaresto ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Caloocan City, Biyernes ng gabi.
Sa ulat, ipinag-utos ni Caloocan Police OIC chief P/Col. Joey Goforth sa kanyang mga tauhan ang pagtugis sa akusadong si alyas “Totoy”, residente ng lungsod.
Ayon kay Col. Goforth, si alyas Totoy ay nakatala bilang No. 6 Top Most Wated Person (TMWP) sa Northern Police District (NPD) at No. 3 TMWP naman sa Caloocan police dahil sa kaso ng panggagahasa.
Bitbit ang warrant of arrest na inisyu ng Caloocan City Regional Trial Court Branch 1, noong May 30, 2025 para sa kasong Rape, agad nagsagawa ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng operation.
Dakong alas-11:30 ng gabi nang makorner ng mga tauhan ni Col. Goforth ang akusado sa kanilang lugar sa Brgy., 188, kung saan hindi naman umano pumalag si ‘Totoy’ nang isilbi sa kanya ang naturang arrest warrant na walang inirekomendang piyansa.
Matapos nito, dinala ang akusado sa Caloocan City Medical Center para sa medical at physical examination bago tinurnover sa Custodial Facility Unit sa IDMS-WSS kung saan siya pansamantalang habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte.
