September 19, 2024

Taxi driver, 3 pa huli sa pot-session

Arestado ng mga tauhan ng Caloocan Police Sub-Station 6 si Isagani Maglangit, 34, Amil Lampano, 44, taxi driver, Enrique Ramos, 22, at Joseph Escombein, 52 matapos maaktuhang nagsa-shabu sa No. 452 Jasmine St. Brgy. 161, Caloocan City. Nakuha kanila ang plastic sachet ng hinihinalang shabu at drug paraphernalias. (RIC ROLDAN)

BAGSAK sa kulungan ang apat na katao kabilang ang isang taxi driver matapos mahuli sa akto ng mga pulis na nagsa-shabu sa Caloocan City.

Kinilala ni Caloocan Police Chief Col. Dario Menor ang mga naarestong suspek na si Isagani Maglangit, 34, Amil Lampano, 44, taxi driver, Enrique Ramos, 22, at Joseph Escombein, 52.

Sa tinanggap na report ni Col. Menor, alas-2:20 ng gabi nang respondehan ng mga tauhan ni P/Capt. Danilo Esguerra Jr. ng Caloocan Police Sub-Station 6 ang natanggap na tawag sa telepono mula sa concerned citizen hinggil sa isang grupo na sumisinghot ng shabu sa No. 452 Jasmine St. Brgy. 161.

Pagdating sa lugar, hindi na nakapalag ang mga suspek nang pagdadamputin nina PSSg Marvin Doctor at PCpl Fhao-Y-Lanz Kcayuhan makaraang maaktuhang sumisinghot ng shabu.

Nakumpiska ng mga pulis sa mga suspek ang isang plastic sachet ng hinihinalang shabu, nakabukas na plastic sachet at ilang drug paraphernalia.