June 23, 2025

50% discount sa mga estudyante sa train, welcome gift sa mga mag-aral

SINABI ni Navotas City Congressman Toby Tiangco na ang 50% discount para sa mga estudyante sa lahat ng biyahe ng train ay isang welcome gift sa mga mag-aaral sa pagsisimula ng school year.

“Magandang pabaon po ito para sa ating mga mag-aaral ngayong pasukan. Isa din itong malinaw na mensahe mula kay President Bongbong Marcos na gagawin ng pamahalaan ang lahat ng hakbang para tulungan ang mga mag-aaral para maibsan ang kanilang mga pangangailangan,” saad ni Tiangco.

Aniya, malaking tulong din ito sa mga pamilya dahil mababawasan ang kanilang intindihin at mailalaan sa ibang bagay ang matitipid nila sa pamasahe.

“Your government is here and we are doing everything in our power to minimize the financial burden of Filipino students so they can put all their focus on studying,” sabi pa niya.

Samantala, pinaalalahanan din ng solon ang lahat ng public utility vehicle (PUV) operators at mga drivers, kabilang ang transport network vehicle service (TNVS) providers na mahigpit na igalang ang 20 percent student fare discount.

“The 20 percent student discount on public transportation is not optional and must be granted to all students. Karapatan po yan na hindi dapat ipinagkakait sa ating mga magaaral,” ani mambabatas.

Hinimok din ni Tiangco ang mga estudyante na i-report ang mga lumabag sa LTFRB hotline o sa pamamagitan ng LTFRB Citizen’s Complaint Center.

“We call on our students and parents to report drivers who refuse to grant student discounts. Makipag-ugnayan lamang po tayo sa LTFRB at para mapanagot ang mga violators,” dagdag niya.

Ang mga lalabag sa Republic Act No. 11314 o ang Student Fare Discount Act ay maaaring pagmultahin ng hanggang P5,000 para sa unang paglabag.

Kapag maulit ang pagkakasala ay maaaring suspindehin o bawiin ang kanilang prangkisa o permit, depende sa dami ng paglabag.